Ang Larong Pitik Bulag

Ang larong pitik bulag ay hindi ko forte.
Kaya’t kung pwede,ibang laro na lang.

Sa totoo lang, ano ba kasing masaya sa larong ito? Exciting? Parang hindi naman. Bakit kasi hindi na lang taguan para may katapusan. Para may choice. Kasi pwede kang hindi maghanap e. Pwede rin namang magdesisyon yung kalaro mo na magpakita na lang kung nakikita niyang walang patutunguhan yung paghahanap mo. Pero sa kabilang banda, nakakaloko din pala ‘tong larong to. Dahil pano kung piliin nyang magtago na lang forever? Haha. E basta. Okay na rin yun kesa naman sa larong pitik bulag.

Nakakatawa nga yung mga taong gustong gusto laruin ‘to e. Parang mga siraulo. Paulit-ulit. Titigil lang pag nagka-sawaan na. Pero kung tutuusin masaya nga naman kasi yung pakiramdam pag na-prove mo na tama nga yung hula mong daliri. Nakaka-adik. Nakaka-adik na nakakapagod. Iniisip ko nga, hindi ka pala pwede makipaglaro nito sa taong wala kang tiwala e. Dahil pano kung dinadaya ka na pala? Mahirap yun. Kakalabitin ka ng hintuturo, pero kunwari hinliliiit. Kapag tama na pala yung hula mo, papalitan ng iba.

Sa larong ‘to dapat may rules e. Parang yung larong langit at lupa. Atleast yun kung langit ka, langit ka. Kung lupa, edi dun ka lang gagalaw. Pwede rin namang kagaya na lang ng Pepsi 7-Up. Atleast din yun, call ng kalaro mo kung gano katagal nyang sasabihin yung “Pepsiiiiiii…” para makagalaw ka. At pag narinig mo na ang “7-Up”, titigil ka na. Ayun pala. Buti pa dito may magic word.

Isa pang rason bakit ayoko sa larong pitik bulag e dahil ito ang larong madamot. Dalawa lang kayong pwedeng mag-enjoy nito – kung enjoy nga ba talaga. Pansin ko, sa lahat ng kinalakihan kong larong batang kalye, eto lang yung larong hindi pwede laruin ng grupo. Pero madami pa din may gusto. Ewan ko ba.

Hay. Ang pitik bulag ay hindi pwede sa mga “halaman”. Dahil ang larong ito ay ginagamitan ng feelings. Pagalingan ng pakiramdam kumbaga. Kelangan mo rin ng konting tapang para subukan manghula. Sa totoo lang, nakakabobo ‘tong larong ‘to e. Dahil wala ka namang skills na ginagamit dito. Hindi ito kagaya ng mga larong Chinese garter, habulan, tumbang preso o kaya piko, na pwedeng magpractice para maging magaling. Ito ang walang kwentang laro na pilit ine-enjoy ng karamihan.

Pero ano naman kung sabihin ko sa inyo kung bakit ayaw ko sa larong ito? Ah basta.

Ang larong pitik bulag ay hindi ko forte.
Kaya’t kung pwede,ibang laro na lang.

Advertisements

What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s